Kung si Maine, out! ALDEN, BALIK-EB! NA, 'DI PA NAWAWALAN NG SHOWS AT PELIKULA
- BULGAR

- Mar 24, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NAUNA nang nag-report sa Eat... Bulaga! noong Friday at kahapon (Sabado) si Alden Richards at balik na rin siya sa Sunday PinaSaya this Sunday. Malapit na rin nilang simulan ni Kathryn Bernardo ang pelikula nila sa Star Cinema. In fact, sa April 7 ang target schedule ng first day shooting ng pelikula ni Director Cathy Garcia-Molina.
Bukod sa Sunday PinaSaya, mapapanood din si Alden sa Dear Uge this Sunday sa episode na Sekyut kasama si Pekto.
Sinusulit ng mga fans ni Alden habang nasa bansa siya at napapanood sa mga shows ng Siyete dahil kapag nagsimula na ang shooting nila ni Kathryn, one month sila sa Hong Kong, hindi siya makakapag-report sa Eat... Bulaga! at SPS.
Samantala, ngayong nakabalik na sa bansa si Alden, may makapag-interview kaya sa kanya at malinawan ang isyu na ikinasal na raw sila ni Maine Mendoza sa Vatican? Ang daming naniniwala sa balitang ito kahit nakikita na si Maine na lumalabas kasama si Arjo Atayde.
Nakakaloka, hindi alam nina Alden at Maine na ikinasal na pala sila at bukod sa balitang ito, may mga balitang sweet daw ang dalawa habang nasa Holy Land, gayung nakita naman sa mga lumabas na litrato na kahit sa picture taking, hindi sila nagtatabi at obvious na nag-iiwasan.





Comments