HOROSCOPE | MARSO 24, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 24, 2019 (Linggo): Kahit ikaw mismo ang gumagawa ng ikapapangit ng buhay mo, hindi pa rin magsasawa ang langit na ayusin ang kapalaran mo. Ito ang mensahe sa araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kusang pagagandahin ng iyong kapalaran ang mga nararanasan mo na ayon sa iyo ay hindi maganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-28-29-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madali mo nang magagawa ang anumang gusto mong gawin. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito, gawin mo na ang mga hindi mo nagawa sa nagdaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-18-23-28-31.
GEMINI (May 21- June 20) - Iwasan mong magtagal sa harapan ng taong masarap kausap dahil hahanap-hanapin mo siya na maaaring maging dahilan ng mga problema sa kasalukuyang buhay-pag-ibig mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-37.
CANCER (June 21- July 22) - Muling lumakas ang iyong likas na gayuma. Puwede mo itong magamit sa pagpapaunlad ng iyong negosyo dahil ang likas na gayuma ay puwede ring pang-akit sa mga bagong suki. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-24-28-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang matakot sa mga nagpapadama sa iyo ng kakaibang pagtingin. Sila ang dapat mag-alala dahil hindi ka naman nila puwedeng mabihag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-13-17-20-23-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pinakamagandang panahon para bigyan mo ng bagong saya ang iyong buhay-pag-ibig. Ang masayang balita ay nagsasabing, ang mga problema na halos sumira sa buhay mo ay tapos na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-16-20-25-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang mga kontrabida sa buhay mo ay mapapahiya. Ang naghahangad na mabigo ka at masaktan ay makararanas ng mga kamalasan sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-8-18-26-30-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kailangan mong magsaya ngayon. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan sa masasayang nilalang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-15-23-31-35-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga taong may mahihinang kalusugan. Hindi ka puwedeng magkasakit, lalo na ngayon dahil marami kang inaasikaso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-25-32-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka maaawat sa pagtutok sa iyong mga obligasyon. Habang ginagawa mo ito, ikonsidera mo rin ang panandaliang pamamahinga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-19-20-23-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran dahil mas gugustuhin mong umalis kahit sa totoo lang ay wala ka namang tiyak na pupuntahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-27-33-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang maganda para sa iyo, ‘yun ang piliin mo. Masuwerte ka dahil ang mapipili mo ay nagtataglay din ng mabuting kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-37-40-41-45.




Comments