Habang nagmimisa, naka-live | PARI PINAGSASAKSAK
NAGTAMO ng mga sugat ang pari matapos pagsasaksakin habang nagmimisa sa Monreal, Canada.
Kinilala ang biktimang si Fr. Claude Grou, rektor ng St. Joseph’s Oratory.
Batay sa impormasyon, alas-8:40 ng umaga (local time) nang maganap ang pag-atake kung saan nanggaling umano ang suspek sa likuran ng rectory saka inundayan ng saksak sa dibdib ang pari.
Itinuturing na pinakamalaking Simbahan sa Canada ang St. Joseph’s Oratory kung saan naka-live broadcast ang bawat misa rito.
Gayunman, sa live video, makikitang sinubukan pang makatakbo ng pari.
Samantala, nasa mabuti nang kalagayan ang biktima habang patuloy na inaalam ang motibo sa krimen.





Comments