Bomb parcel, naharang sa Ireland
MABILIS na nirespondehan ng bomb squad ang suspicious parcel na ipinadala sa postal sorting office sa Ireland.
Ayon sa pulisya, ang naturang parcel ay kapareho ng ipinadala sa London at Glasgow.
Gayunman, mahigpit na iniimbestigahan ng pulisya ang nasa likod ng pagpapadala ng parcel.
Una rito, isang grupo ang nagpakilalang IRA na umako sa pagpapadala ng limang packages na naglalaman ng improvised explosive device sa UK noong nakaraang mga linggo.
Matatandaang, Marso 5 nang tatlong devices ang ipinadala sa Waterloo Station, Heathrow at City Airports.





Comments