top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Utol, kung dati patay na raw, todo-beso ngayon… HIRIT NG MADLANG PIPOL: PAGBABATI NINA GRETCHEN AT C

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS ang ilang taong hidwaan, tuluyan na ngang nagkaayos ang nasirang relasyon ng magkapatid na sina Claudine at Gretchen Barretto.

Kung dati ay hindi na sila nagpapansinan at halos ituring na nilang “patay” ang isa’t isa, ngayon, ‘di na mapigilan ang magkapatid sa pagpo-post ng kanilang bonding, yakapan at pagbebeso-beso na kuha sa public place. Na-miss talaga nila ang isa’t isa.

Ikinuwento nina Clau­dine at Gretchen kung paano sila nagkabati sa kanilang Instagram Live na gina­nap noong March 22 nang madaling-araw.

Kuwento ni Gretchen, “When I saw Claudine, she was just the most humble little girl. I saw the Claudine that I wished to see.”

Dagdag pa niya, “There was a time I always said, ‘Parang si Clau, pakiram­dam ko, parang patay na.’ Kasi nand’yan siya pero hindi siya ‘yun. Parang iba ‘yung ugali.”

Dito ikinuwento ni Gretchen na noong nagkita sila bago mag-Valentine’s Day ay nakita niya ang dating Claudine na ‘very humble’ at ‘very sweet’, kaya hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili na patawarin ang nakababatang kapatid.

Aniya, “She said, ‘I love you. Forgive me, I missed you’ and I found myself uttering the same thing.

“It’s something I could not admit to anybody, I couldn’t even talk about Claudine for the longest time but that day, I found myself just uttering the truth. No pride, no whatsoever. I wasn’t thinking of whatever happened in the past. All I remember was I held her in my arms… I just embraced her and I said ‘I’m sorry,’” ang naging pahayag ng aktres.

Ibinahagi rin ni Gretchen kung ano ang kanyang natutunan sa nangyari sa kanila ni Claudine.

“I’m also sorry because talagang ‘pag masama ang loob mo, we tend to say hurtful things and what I learned is that you can never erase that, you cannot take that back. Good thing she forgave me and I forgave her and that’s what’s important,” paha­yag ni Gretchen.

May mensahe rin si Gret­chen sa madlang pipol na bumabatikos sa pagbabati nila ng kapatid.

Aniya, “Sa lahat po ng kung anu-anong sinasabi na plastic [kami], honestly…” na dinugtungan ni Clau­dine ng “Makulit lang kami together talaga.”

Matapos ang kanilang pagbabati, ibinalita rin ni Gret­chen na na-meet na niya ang mga pamangkin kay Claudine.

Aniya, “I met Sabina, Saint, and Quia. You know, parang I’m starting to have a relationship with them.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page