Patay sa pagbaha sa Indonesia, 89 na
PINANGANGAMBAHAN ng mga awtoridad ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa flashfloods at landslides sa Indonesia.
Ayon sa National Disaster Agency, hindi bababa sa 89 katao ang nasawi, gayundin, marami pa ang nawawala.
Batay sa ulat, marami rin ang nasugatan sa trahedya na dulot ng malakas na pag-ulan.
Samantala, aabot sa 7,000 residente ang inilikas sa mga temporary shelter, gayundin, 74 katao ang patuloy na hinahanap habang hindi bababa sa 150 ang nagtamo ng mga sugat.
Nagdeklara ang gobyerno ng 14 araw ng state of emergency sa Papua na nasa bahagi ng border ng Indonesia at Independent Papua New Guinea.





Comments