Factory sumabog, 6 nadale
ANIM katao ang nasawi sa pagsabog ng isang chemical plant sa Yancheng, China.
Bukod pa rito, 30 katao ang naitalang sugatan sa naganap na pagsabog na pag-aari ng Tianjiayi Chemical.
Batay sa impormasyon, nagsimula ang pagsabog mula sa sunog sa factory kung saan ginagawa ang mga fertilizer.
Gayunman, nakaramdam din ng Magnitude 2.2 na pagyanig dahil sa pagsabog.
Samantala, ang nasabing factory ay itinayo noong 2007 kung saan anim na beses na itong pinagmulta dahil sa air pollution at paglabag sa waste management.





Comments