Driver nasagasaan ng trak
Pabs Hernandez III
Mar 23, 2019
1 min read
ISABELA—Isang driver ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng trak, kamakalawa sa Bgy. Tallungan, Reine Mercedes sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Junjun Tutatan, nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, may inaayos umano sa ilalim ng trak si Tutatan nang biglang umabante ang sasakyan kaya nasagasaan ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Tutatan sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments