top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Anak mo, Cesar, depressed daw… SOFIA, KUMANTANG 'DI NA NAGULAT SA PAGPAPAKAMATAY NI DIEGO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2019
  • 1 min read

SA premiere night ng IWant tv series na Bagman ay na­ka­­pa­nayam namin si Sofia Andres na inaming iniyakan pala niya ang na­pabalitang pagpapatiwakal ng ex-boyfriend at dating kaparehang si Diego Loyzaga.

Pagkukuwento ng Kapamilya actress, pareho silang sumailalim ni Diego sa depresyon, sa anxiety attack na normal na sa ibang tulad nilang mga artista kaya ‘di na niya ikinagulat nang gawin ito ng ex-boyfriend.

Sa kabila naman ng pag-iyak sa ba­lita, bukod sa handler ni Diego, wala na raw siyang ibang tinawagan para ku­mus­tahin ang aktor dahil alam niyang hindi na niya responsibilidad ang ex-BF at ayaw na niyang ma-involve pa sa gulo.

Naniniwala rin si Sofia na ‘di pa ito ang tamang panahon kung saka-saka­ling magdesisyong bumalik sa showbiz si Diego dahil naniniwala siyang ‘di ito makakatulong sa takbo ng pag-iisip ng ex-BF.

Sa ngayon, natutunan na rin ng aktres na i-manage ang kanyang mga anxiety attacks lalo’t mas tahimik na ang buhay niya at iwas-intriga na rin.

Masaya at kuntento sa relasyon nila ng car racer na si Daniel Miranda, para kay Sofia ay masarap sa pakiramdam na malaya sila at walang kinakailangang itago sa publiko.

Maganda rin ang relasyon niya sa pamilya ng BF at pagmamalaki pa ni Sofia, wala silang problema ni Daniel dahil ‘di ito chickboy.

lang niya ay ang maga­gandang proyekto at naipasang batas tulad ng Universal Healthcare Law na papakinabangan ng lahat ng mga Filipino.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page