top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After makipagbati kay Gretchen… CLAUDINE, 'ITINAKWIL' NG PAMILYA, SUMABOG!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2019
  • 4 min read

AKALA ng lahat, ngayong nagkabati na sina Gretchen at Claudine Barretto, matutuldukan na ang malaking giyera sa pagitan ng Bar­retto sisters at ni Gretchen sa kanilang mga magulang.

Pero ang siste, kung pagbabasehan ang bagong Instagram Live nina Gretchen at Claudine, may bago na naman palang away na namumuo sa kanilang pamilya, and this time, it’s Gretchen and Claudine laban sa mag-inang Marjorie at Dani Barretto (anak ni Kier Legaspi sa aktres).

Kung matatandaan, maraming taon na ang naka­raraan, ang magkaaway ay sina Gretchen at Claudine. Nasa side ni Clau ang parents nilang sina Miguel at Inday Barretto at isang kapatid na si Gia, habang kay Gretchen naman kumampi si Marjorie at ang iba pa nilang kapatid na sina Jayjay, Mito at Michie.

Fast forward. Ngayong 2019, eto na ang senaryo — nagkabati na sina Gretchen at Claudine, pero kasunod nito ay ang paglalabas naman nila ng sama ng loob laban kina Marjorie at Dani na sinasabi nila ngayong walang utang na loob.

Unang isyung ikinasasama ng loob nina Gretchen at Claudine ay ang hindi pagsasama o pagtatanggal sa kanilang pangalan sa mga nakasulat na pangalan ng members ng Barretto family sa kabaong ng yumao nilang long-time nanny.

Paulit-ulit na sabi ni Gret­chen, hindi siya apektado at hindi na siya na-hurt kung ‘di man isinama ang name niya sa mga nakasulat sa kabaong. Pero si Claudine ang nag-react at na-hurt dahil tinanggal ang name niya, eh, first time raw mang­yayari na maisulat ang name niya sa kabaong ng taong malapit sa kanilang puso.

Feeling siguro ni Clau­dine ay ‘itinakwil’ na siya dahil naki­pagbati siya kay Gretchen.

Payo naman ni Gretchen para patawanin na lang si Claudine, ‘wag na itong magpaapekto dahil ‘cheap’ naman daw ang violet nylon ribbon na pinagsu­latan ng names kaya hindi rin daw niya gugustuhing maisama ang name niya ru’n.

Pangalawang issue ay ang hindi pag-iimbita kina Gretchen at Claudine sa nalalapit na kasal ni Dani Barretto.

Obyus na sarcastic ang pagkakasabi ni Gretchen ng “Who’s Dani?” nang itanong sa kanya kung invited nga ba sila ni Clau sa kasal.

“Honestly, I’m not invited and I’m not affected,” mataray pang sagot ng aktres. At kahit daw invited sila ay hindi pa rin siya pupunta sa kasal ng pamangkin.

Pero kahit sinasabi ni La Greta na hindi siya affected, obyus na sobrang na-hurt siya na nabalewala sila ni Claudine gayung anak pala ang turing niya kay Dani.

Dito nga nabuksan ang kuwento nang ungkatin ni Gretchen ang mga nagawa nila ni Clau para sa pamangkin mula nang ipinagbubuntis pa lang ito ni Marjorie.

Sabi ni Gretchen, ayaw niyang manumbat at sinasabi lang naman niya ang totoong nangyari more than two decades ago kung saan nu’ng ipinagbu­buntis pa lang ni Marjorie si Dani ay sa bahay na niya sa Blueridge ito tumira.

Na-hurt si Gretchen dahil sa latest vlog ni Dani, puring-puri nito ang inang si Marjorie at sinabing ang ina lang niya ang nag-iisang bumuhay at nag­palaki sa kanya.

Ang katwiran ni Gretchen, nakalimutan na nga ba naman ng kanyang pamangkin na nasa tiyan pa lang ito ni Marjorie ay nakasuporta na sila ni Claudine at hanggang ipinanganak si Dani na sobrang sakitin daw noon dahil sa asthma at psoriasis, sila ni Claudine ang nagdadala rito at nagbabantay sa ospital.

Kaya naman, hindi napigilan ni Gretchen na mag­parinig na naman habang pinupuri si Claudine, na bagama’t walang binanggit na pangalan ay mahuhulaan namang si Marjorie ang tinutukoy niya.

Sabi ni Gretchen patungkol kay Clau ngayong bati na sila, “Siya lang ‘yung kapatid ko na hindi ako kinailangan, na hindi niya ako ginamit. She never asked money from me.”

Kung dati raw kasi, ‘pag nagmahal siya ay todo-bigay, pagkatapos niyang ilang ulit na masaktan, natuto na raw siya at pinipili na lang ang taong pagbibigyan ng pagmamahal.

“I don’t want anyone to love me just because they need me or my money or anything like that.

“I don’t want to be living thinking I have to buy love. I’d rather buy other things.

I don’t think I’m that of an awful person na kailangan kong bumili ng tao, dahil ang mahal, at ang sakit… na you know, you just keep on trying and trying, no matter what you do, no matter what you give, it’s just not enough,” himutok ni Gretchen.

Pinayuhan din ni Gretchen si Claudine na magtira para sa sarili dahil sobrang generous daw ng younger sister na dati ay binilhan pa ng Louis Vuitton ang isang kapatid nito (Marjorie) gayung tinitipid ang sarili.

Sa ngayon, ayaw nang magsalita ni Gretchen tungkol sa isyung hindi na niya kakampi ang kapatid na si Jayjay at nasa kabilang bakod na ito.

Pero si Claudine, nagbi­taw ng salitang “Ako, just us, okay na,” meaning, nga­yong bati na sila ni Gretchen, okay na siyang silang dala­wa na lang ang mag­kasama ngayon.

Although nilinaw na­man ni Claudine nang mata­nong sa relationship niya with her parents na okay sila.

Pero si Gretchen, kinumpir­mang hindi pa rin sila bati ng kanyang parents at ayaw na raw niyang magsalita pa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page