Pagbabanta sa mga palpak na opisyal hindi sapat, dapat sibak!
- BULGAR

- Mar 22, 2019
- 2 min read
LAHAT NG APPOINTEE NI P-DUTERTE SA MWSS, DAPAT SIBAKIN—Pinagbantaan ni P-Duterte ang mga opisyal ng MWSS na sisibakin sila sa puwesto kapag hindi isinaayos ang pagbabalik sa normal ang supply ng tubig sa Metro Manila.
Ganu’n, banta lang? Pambihira, napakaraming residente ang naperhuwisyo dahil sa kanilang kapabayaan tapos bantang pagsibak lang ang sinabi sa kanila ni P-Duterte.
Kung totoong may malasakit si P-Duterte sa mga Pilipino, lalo na sa mga napeperhuwisyong residente dahil sa kawalan ng supply ng tubig, ang dapat niyang gawin ay sibakin sa puwesto ang lahat ng appointee niya sa MWSS, period!
◘◘◘
PARANG PINANINDIGAN NA NI DAVAO CITY MAYOR SARA NA HINDI DAPAT HONEST ANG MGA ‘LINGKOD-BAYAN’—Hanggang ngayon ay hindi humihingi ng paumanhin sa publiko si Presidential Daughter Sara Duterte-Carpio sa kanyang pahayag na hindi isyu ang pagiging tapat ng mga kandidato ngayong eleksiyon.
Kumbaga, parang pinanindigan talaga niyang hindi kailangan maging tapat sa publiko ang lahat ng mga pulitikong nais matawag na “lingkod-bayan”, buwisit!
◘◘◘
PRESIDENTIAL SPOKESMAN, MISTULANG SPOKESMAN NA RIN NI “BONG” GO—Ipinagtanggol ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si Senatorial candidate Christopher “Bong” Go sa alegasyong vote-buying nang mamigay daw ng pera ang mga staff nito sa mga biktima ng sunog sa Makati City.
Ang katuwiran ni Panelo, hindi naman daw si “Bong” Go ang namigay ng pera sa mga tao.
Grabe, bigatin talaga si “Bong” Go kasi mistulang spokesman na rin niya ang presidential spokesman, boom!
◘◘◘
MGA TAGA-BUSTOS, BULACAN, NIRARAKET NI ‘JESIKA’—Lantaran na raw ang raket na drop balls at color games ni “Jesika” sa Bustos, Bulacan.
Paging Mayor Arnel Mendoza at Bulacan PNP Director Col. Chito Bersaluna, baka puwedeng ipa-"tokhang” na ninyo si “Jesika” kasi lantaran na pala ang ginagawang panraraket nito sa mga taga-Bustos, plis lang!





Comments