top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Maituturing silang expressive o may pagkamadaldal... KAALAMAN TUNGKOL SA PAG-UUGALI AT IMAHINASYON N

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2019
  • 2 min read

SINASABI ring gusto ng mga Kabayo na nasa oras ang lahat ng bagay at kapag may lakad, gabi pa lang ay umaandar na ang isip at imahinasyon ng mga Kabayo kung paano sila magiging on time, kina­bukasan.

Maaari ring gabi pa lang ay maingat na maingat nang naihanda ng mga Kabayo ang lahat ng kanyang mga dadalhin at pinaplano, kinabukasan.

Kaya naman kadalasan, ang nagiging resulta kapag may mahalagang ba­gay na pu­puntahan ang mga Kabayo, halim­bawa ay outing, picnic o swimming, sa sob­rang exci­ted nila ay nagkakaroon sila ng in­somnia, kumbaga, hindi sila makatulog hang­gang sa pagtingin nila sa orasan ay umaga na pala at kailangan na nilang bumangon.

Dagdag pa rito, ang mga Kabayo ay iti­nuturing ding fast thinker o palaging advance ang takbo ng kanilang utak. Halimbawa, sa pagsasaliksik, kaunti pa lang ang ebidensiya, pero mabilis na nilang naiisip na tama o tum­pak ang kanilang nire-research dahil mas nau­una ang kanilang kongklusyon kaysa sa dami ng mga datos na kanilang hawak na ka­­dalasan ay mula sa likas na talas ng kan­yang intuition kung saan tama ang kanilang iniisip at hinahaka, kaya sa 12 animal signs na hu­marap sa palasyo ni Lord Buddha, ang Ka­bayo ay isa sa itinuturing na matalinong hayop.

Bukod sa pagiging matalino, ang Ka­bayo ay maituturing ding “expressive” at may kadaldalan kung saan bida siya nang bida sa kanyang mga nalalaman at kapag nakatabi mo siya sa pampasaherong bus at nakakuwentuhan, umasa kang hindi siya mauubusan ng kuwento hanggang sa maka­rating na kayo sa inyong patutunguhan.

Kaya naman kapag kasama mo ang Kabayo, siguradong hindi ka maiinip dahil tiyak na e-entertain-in ka niya sa pama­ma­gitan ng kanyang mga kuwento at pagbibida.

Sinasabi ring ang lahat nang mabibilis na bagay ay nasa katangian ng Kabayo, ayon sa aklat na Chinese Elemental Astrology ni E.A. Crawford etal., “the horse loves action, he talks fast, he thinks fast and he moves fast.” Kaya tulad ng nasabi na, walang bagay na mabagal para sa mga Kabayo sapagkat kapag mabagal ang mga pangyayari madali silang nabo-boring o tinatamad.

Kaya kapag nakakita ka ng Kabayong babagal-bagal, umaasa kang maaaring siya ay bigo o hindi masyadong successful sa kanyang buhay. Sa kabilang banda, kapag nakakita ka ng Kabayong mabilis maglakad, magsalita at iba pa, malamang na ang Kaba­yong ito ay successful at maligaya sa kan­yang buhay.

Kaya tandaang, likas na sa mga Kabayo na mabilis sila sa lahat ng bagay, kaya ang tendency ay mabilis din silang magmahal, makapag-aasawa at kapag talagang ginusto nila ay mabilis din silang yayaman.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page