Laborer tepok sa backhoe
Pabs Hernandez III
Mar 22, 2019
1 min read
EASTERN SAMAR—Isang laborer ang namatay nang aksidenteng maipit ng backhoe, kamakalawa sa Bgy. 8, Lawaan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Sherwin Menguelo, residente ng Ateche sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang ikinakarga sa trak ang backhoe ay dumausdos ito kaya bumagsak na naging dahilan para maipit ang biktima.
Dinala pa ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Menguelo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments