top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya mag-apply ka na at ayusin mo na ang mga papeles mo, tsong! LALAKING PINAPAYUHANG ITULOY ANG PAG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Gusto kong umalis sa kasalukuyan kong trabaho kasi wala akong pag-asenso, maliit ang suweldo at masungit pa ang aking mga amo.

  2. Kaya lang, iniisip ko kung aalis ako rito, may mapapasukan kaya akong maganda, mas malaki ang suweldo at mabait ang mga amo?

  3. Nagdadalawang-isip kasi akong umalis dahil baka mapabilang lang ako sa mga taong walang trabaho.

  4. Ito ang talagang dahilan, Maestro, kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo upang ipaanalisa ang aking kapalaran, lalo na sa career. Ano sa palagay ninyo, ma­kahahanap kaya ako ng mas magandang trabaho na may malaking suweldo?

KASAGUTAN

  1. Kung dito ka lang sa Pilipinas magtatrabaho at kabilang ka sa mga pangkaraniwang empleyado, kahit magtututuwad ka dahil sobrang liit ng suweldo sa ating bansa habang sobrang laki naman ng pang-araw-araw nating gastusin, malabo at hindi talaga aasenso ang buhay mo.

  2. Sa halip, ganito ang nais ipagawa sa iyo ang iyong kapara­lan. Mas makabubuting mag-abroad ka para mas madali kang umasenso. Ito ang nais sabihin ng maaliwalas, makapal at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na kung aalis ka sa kasalu­kuyan mong kum­panya dahil ma­liit ang iyong suweldo at pagka­tapos ay sa isa na namang ku­ripot na kumpanya ka lilipat ng traba­ho, eh, balewala rin ang gagawin mong paglipat ng trabaho dahil tulad ng nasabi na, karamihan sa mga kumpanya sa ating bansa ay puro kuripot at bihirang-bihira lang ang nagpapasuweldo nang malaki o tama.

  4. Kaya tulad ng nais sabihin ng malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na kinumpirma ng iyong lagda na umaalun-alon na animo’y nagtatangkang lumipad at umangat paitaas, tiyak ang magaganap, walang duda, wala rito sa ating bansa ang magandang kapalaran mo, bagkus, sa pangingibang-bansa ka mas susuwertehin at aasenso hanggang sa tuluy-tuloy ng umalagwa at umunlad ang iyong career at kabuhayan.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Edward, kung ngayon pa lang ay susubukan mo ng mag-apply sa abroad, sa buwan ng Hunyo o kaya ay Hulyo, pinakamatagal na sa Setyembre, ti­yak ang magaganap, sa nasabi ring panahon, sa edad mong 33, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na magiging daan o simula upang tuluy-tuloy nang umunlad at umasenso ang iyong career at kabuhayan, gayundin ang kabuhayan ng inyong pamilya, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page