Ibinulgar ng source sa mga pulis… SEUNGRI, NAG-COCAINE AT NAGBUGAW NG MGA BABAE SA B-DAY PARTY NIYA
- Lee Vin Nia
- Mar 22, 2019
- 1 min read

LAST March 20 ay may ini-reveal na bagong update ang pulisya na nag-iimbestiga sa kasong kinasasangkutan ni Seungri.
Ayon sa report na lumabas sa News 8 ng MBN, isang impormante ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis na gumamit ng cocaine ang singer at nag-provide ng mga babaeng nagbibigay ng aliw sa ginanap na birthday party niya sa Pilipinas last December, 2017.
Last December nga ay napabalitang nagkaroon ng grand birthday party si Seungri sa isang private villa sa Amanpulo Resort in Palawan na dinaluhan ng mga naggagandahang babae. Naglabasan din that time ang larawan ng mga magagandang models na nasa party.
Kaagad namang itinanggi ng abogado ni Seungri na si Son Byung Ho ang alegasyon sa kanyang exclusive interview with News1 kahapon.
“Those reports are untrue and we will take all necessary measures, whether it involves a cross-examination with the informant or the use of a lie detector,” pahayag ng abogado.
“We feel the reports around the prostitution and drug use reports only center around claims made by malicious informants. We feel frustrated and that this is unfair,” dagdag pa nito.





Comments