HOROSCOPE | MARSO 22, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 22, 2019 (Biyernes): Talunin mo ang iyong sariling kahinaan nang sa gayun, pagharap mo sa iyong kalaban ay mas malakas ka pa kaysa sa kanya, ito ang susi sa iyong pagkapanalo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Mga anino lang na walang laman at buto ang kinatatakutang problema sa buhay. Ito rin ay sanhi ng paminsan-minsang kaduwagan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-24-28-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo kung pag-aaralan mong mabuti ang mga plano mo sa buhay, kaya ang mabilisang pagkilos ay hindi makagaganda para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-19-21-27-31.
GEMINI (May 21- June 20) - Nahaharap ka sa mabibigat na suliranin na kung sa iba mangyayari ay hindi nila kakayanin, pero sa iyo, mahirap paniwalaan na para ka lang nakikipaglaro sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-14-23-38-40.
CANCER (June 21- July 22) - Tinatakot mo lang ang iyong sarili. Dapat mong malaman na walang basehan ang iyong mga pag-aalala. Ang mga ito ay dahil lang sa iyong mayamang imahinasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-27-34-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mapasasaiyo ang hindi sinasadyang bagay na naitapon na. Kapag nasa iyo na ito, nakamamangha ang magaganap dahil muling magsisimula ang magagandang kapalaran sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-25-28-30-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag pinalaya mo ang iyong sarili sa walang katapusang pag-aanalisa ng mga bagay-bagay, matatapos na rin ang kawalang pag-usad ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-12-27-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kaya nabibigo ang tao ay dahil ayaw na niyang magpatuloy sa pakikipaglaban. Malabo itong mangyari sa iyo dahil ang pagtigil mo ay pansamantala lamang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-17-23-34-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumabas ka sa iyong bahay. Ang bahay na sinasabi ay ikaw mismo na ayaw makipagsosyalan, kumbaga, huwag mong gawing mundo ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-16-20-24-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mabuti para sa tao ang palaging nagpaplano, pero hindi kumikilos. Mas maganda pa ang walang plano, pero kilos nang kilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-29-35-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Araw-araw ay bagong araw. Wala kang katwiran para manatili sa kalungkutan. Ang mga nagdaang araw ay dapat mo ng kalimutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-26-34-38-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansamantalang naitatago ng tao ang kanyang kahinaan. Sa araw na ito, maikukubli mo ang mga hindi maganda sa iyo kaya lihim kang sasaya ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-17-23-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gumaganda ang musika kung sabay-sabay itong inaawit. Makiayon ka, huwag kang sumalungat sa kumpas ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-8-12-18-31-36.




Comments