'Yung tipong puyat ka na, may diabetes ka pa... PAGPUPUYAT NAKAPAGPAPALAKAS SA PAGKAIN NG MATATA
- Donna Thea Topacio
- Mar 21, 2019
- 2 min read

MAHILIG ka ba sa matatamis na pagkain, lodi? Naku, siguro dahil ‘yan sa insomnia na nararanasan mo, in short, hindi ka makatulog sa gabi kaya madalas ay nakararanas ka ng pagke-crave sa mga pagkaing matatamis. Woah, hala!
Alam nating lahat na ang kakulangan sa tulog ay nakaaapekto sa enerhiya at mood ng indibidwal, pero, ayon sa mga eksperto, ito rin umano ang sanhi kung bakit tayo nagke-crave sa matatamis na pagkain.
Sa pag-aaral, 51 kalalakihan mula sa Michigan State University ang inobserbahan ng mga researcher kung saan karamihan sa kanila ay madalas na kumakain ng matatamis tulad ng cake, ice cream, smoothies at marami pang iba, ito ay dahil sila ay nakararanas ng insomnia.
Gayunman, ayon sa mga dalubhasa, isa sa mga nakapagti-trigger sa tao para kumain ay ang stress na kanilang nararamdaman, hindi lamang tungkol sa mga problema sa buhay kundi maging ang simpleng kakulangan sa tulog dahil maaari rin nitong maapektuhan ang ating taste buds o panlasa.
Ang pag-aaral ay pinangunahan ni Dr. Robin Tucker mula sa Department of Food Science ang Human Nutrition, siya ang nag-analisa at nakatuklas na totoong may masamang epekto ang kakulangan sa tulog, lalo na sa mga indibidwal na nasa edad 20 pataas.
Kaya naman ang maipapayo niya sa mga taong may insomnia, kung pakiramdam ninyo ay hindi na ito normal o kaya ay masyado na kayong nahihilig sa matatamis na maaaring magresulta ng diabetes, mainam kung kokonsulta na kayo sa doktor nang sa gayun ay mabigyan kayo ng paunang lunas para sa inyong sakit.
Sa totoo lang, wala namang masama sa pagkain ng matatamis dahil kinakailangan din ito ng ating katawan, pero hinay-hinay lang dahil hindi natin alam kung ano ang malalang maidudulot nito sa ating kalusugan.
Aware naman siguro tayo na sa pagkakaroon ng diabetes, maaari tayong mabulag, maputulan ng parte ng katawan at marami pang iba.
Kaya bago pa man natin ito pagdaanan, magkaroon na tayo ng kontrol sa ating mga kinakain, araw-araw.
Be sweet but not too much!
Gets mo?





Comments