top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Shoutout sa mga feeling forever alone riyan... 5 REASONS KUNG BAKIT MAS OKAY ANG MAPAG-ISA

Justine Daguno
Mar 21, 2019
3 min read

MARAHIL, ka­ra­mi­han sa atin, iniisip na ang pag­bubukod ng tirahan o ‘ika nga, “living alone” ay malung­kot o isolating, pero hangga’t hindi mo pa ito nae-expe­rience, hindi mo ma­lalaman kung gaano ito ka-awesome.

Sa totoo lang, bagama’t, masaya ang bahay na ma­ingay at mayroong kasama, kailangan ng lahat na ma­ranasang mabuhay nang mag-isa kahit minsan lang sa buhay nila. ‘Yung feeling na puwede kang magpatug­tog nang malakas hangga’t gusto mo, manood ng fa­vorite mong TV show ng walang kaagaw sa channel, patayin ang ilaw sa oras na gusto mo, i-set ‘yung tem­pe­ratura mula sa pinaka­ma­lamig hanggang sa pinaka-warm na trip mo. Imagine, lahat ‘yun ay puwede mong gawin at walang pupuna o mangingialam sa iyo, pu­wede!

Well, narito pa ang ilang rason kaya the best talaga ang magkaroon ng “sariling space”:

1. LAY IN BED ALL DAY IF YOU WANT TO. Sa madaling salita, puwede tayong maghayahay sa ba­hay hanggang kailan natin bet nang walang mangungulit o mang-iistorbo. Super mae-enjoy talaga natin ang pagre-relax, ‘yung feeling na pag­katapos ng napakahaba at nakapapagod na araw, eh, ang paghiga sa kama ang isa sa pinakamagandang reward na puwede mong matanggap. Jusko, tabla-tabla na ito, ma­katulog at makapagpahinga lang, char!

2. YOUR HOUSE, YOUR RULES. Karami­han sa atin ay may kani-kan­yang house rules na kaila­ngang sundin, lalo na kapag mayroong kasama sa bahay tulad ng “patayin ang ilaw at bawal nang manood ng TV ng 10 p.m., maximum ang 30 minutes sa shower, bawal mag­tambak ng hugasin sa lababo at iba pa. No worries dahil kapag nakatira tayo sa sarili nating bahay, eh, walang rules-rules dahil tayo ang batas! Sobrang free tayo sa mga bagay na trip nating gawin, gusto mo ‘yun? He-he-he!

3. NO ONE WILL BE BOTHERING TO TELL YOU ABOUT HOUSE­HOLD CHORES. Pani­gurado, marami sa atin ang pamilyar sa “distribution of household chores” o ‘yung pagpaparte-parte ng mga gawaing-bahay sa bawat isa, mayroong tagalaba, taga­hugas ng mga pinagkainan, taga­luto, tagalinis ng living room, kuwarto, C.R at ma­rami pang iba. Ang masak­lap, kapag busy ang naka­toka, eh, dapat may sumalo, ka­awa-awa talaga ang masi­sipag. Well, isa sa magan­dang bagay na dulot ng pag­kakaroon ng sa­riling bahay ay mas magi­ging indepen­dent tayo dahil lahat ng ka­ilangang linisin, ayusin at in­tindihin ay tayo lang ang ga­gawa at kapag hindi natin trip magkikiki­los, eh, oks lang at puwede natin itong gawin kung kailan natin gusto, ayos!

4. YOU’RE NOT RE­QUIRED TO MAKE ADJUSTMENTS TO PEOPLE. Siyempre, ka­pag mag-isa lang tayo sa ba­hay, hindi natin kailangang makisama, kaninuman. Wala tayong kailangang intindihin kundi ang sarili lang natin sa loob ng bahay, pero wait, hin­di ibig sabihin nito ay ma­wawalan na tayo ng pakialam sa iba, lalo na sa pamilya, mga kaibigan, mahal sa bu­hay at iba pang tao na in­volved sa buhay natin. Kum­baga, mababawasan lang ng kaunti ‘yung panahon na ka­ilangan natin silang pakisa­mahan, okidoki?

5. DISCOVER NEW THINGS. Habang tuma­tanda tayo, hindi maipagka­kaila na nababawasan ang time natin para sa ating sarili, maraming pagkakataon na mas inuuna natin ang mga bagay-bagay na may kaug­nayan sa iba tulad ng trabaho, pamilya, dyowa, dead hopes, lost dreams at iba pa. Kaya magandang chance ang pag­bubukod dahil marami ta­yong time sa sarili natin. ‘Yung tipong kahit kalahati man lang ng araw ay mai­bibigay natin sa atin lang mismo, ganern!

Masasabi natin na ang pamumuhay nang mag-isa kung saan tayo ang masu­sunod ay isa sa pinaka-chal­lenging, pero fulfilling na ma­gagawa natin sa ating bu­hay. ‘Yung tipong mapa-practice talaga natin ang pa­giging independent o ‘yung hindi umaasa sa iba. Sa to­too lang, sa una medyo ma­hirap, pero pagtagal, eh, ma­papansin natin na oks pala ang desisyon natin dahil ‘ika nga, “alone but not lonely”, pero siyempre huwag din nating kalilimutan na kapag mas marami, mas masaya, gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page