Para raw maging healthy | BEBOT, NAGTUROK NG 20 LIQUID FRUITS SA KATAWAN, NADALE
NAGTUROK sa sarili ng liquid fruits ang isang babae sa China para umano’y maging malusog na dahilan para muntik na itong mamatay.
Gayunman, dahil sa ginawa nito, dumanas ng liver, kidney, heart at lung damage ang ginang kung saan limang araw itong nasa intensive care unit.
Batay sa imbestigasyon, 20 uri ng prutas ang inilagay nito sa intravenous injection saka itinurok sa sarili.
Pagkatapos nito, nakaranas ng pangangati sa katawan ang ginang, gayundin na tumaas ang temperatura ng kanyang katawan.





Comments