Mga OFWS, kayod-kalabaw daw… JOEL CRUZ, RUMESBAK KAY TULFO SA PAGTAWAG NA TAMAD ANG MGA PINOY
- BULGAR

- Mar 21, 2019
- 1 min read

HINDI naniniwala ang Lord of Scents/Aficionado Germany Perfume owner na si Joel Cruz sa sinabi ni Mon Tulfo na tamad ang mga Pinoy.
“Hindi ako naniniwala na tamad ang mga Pilipino. Kasi ang dami kong kakilala especially abroad, grabeng magtrabaho ‘yung mga kilala kong Filipinos du’n na kung matulog ay halos four hours na lang. Tapos, ‘yung free time nila, naka-focus pa sa ibang trabaho na tipong side jobs or part-time jobs para mas kumita pa.
“‘Yung sideline-sideline na tinatawag na kahit maglilinis ng bahay ng mga foreigners, na kahit minsan nakakalimutan na nilang kumain kasi sayang nga raw ang kikitain, ganu’n. Masisipag ang mga Pinoy. Workaholic sila.”
Tulad niya, sinasabi ng kanyang mahigit 500 empleyado sa Aficionado Germany Perfume at iba pang businesses na workaholic ang kanilang Sir Joel kaya naman look, Dick, look, ang dami na niyang na-acquire na properties at sinasabing isa siya sa top millionaires (o baka billionaire na?) ng bansang ‘Pinas.
Eh, ano ba ang sikreto ng isang Joel Cruz na kahit na workaholic ay name-maintain pa rin niya ang kanyang flawless na skin and byuti?
“Thru foundation, hahahaha!” ang napahalakhak niyang sagot sabay sabing nag-healthy diet siya, as in bawas rice but more on drinking water.
“Kasi sabi nga ng nanay ko, alagaan ko raw ang sarili ko kasi ang dami kong anak. Lalo na sa panahon ngayon, marami sa mga kaibigan ko ang mga nawawala na rin at sumasakabilang-buhay na tulad ni Chokoleit. So, dapat talaga, maging healthy ang ating lifestyle.”
He even added na tipong swak lang ang saying sa kanya that goes… “Life is short, don’t make it shorter,” tsuk pasok!




Comments