top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga hukom at piskal na sangkot sa droga, next!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2019
1 min read

TULOY ang pagbubulgar sa mga sangkot sa illegal drugs!

Tila ito ang pahiwatig ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos sabihing may listahan din ng mga hukom at piskal na sangkot sa iligal na droga.

Sa panayam kay PDEA Director General Aaron Aquino, sinabi nitong inuumpisahan na nila ang narco-list na naglalaman ng mga pangalan ng mga hukom at piskal.

Sila ang dahilan kaya may mga kaso ng droga na nababasura kahit may malinaw at matitibay namang ebidensiya.

Istayl nila na idaan sa technicalities ang mga kaso saka gina­gawan na lang ng istorya, ang titindi!

Ang ending, lalong lumalakas ang loob ng mga sangkot sa iligal na droga, lalo na ng mga dayuhan na mag-operate sa bansa. Hindi nga naman sila makukulong, wala ring bitay, abut-abot lang.

Sa madaling salita, nababayaran ang mga hukom at piskal at makababalik pa sila nang ligtas sa kanilang bansa.

Kaya ang giyera sa droga ay hindi lang sa mga nakatira sa barung-barong, sa condo o sa mansiyon kundi maging sa mga opisina na inaakala nating naroon ang batas at hustisya.

‘General cleaning’ ang isa sa mga solusyon ng problema sa iligal na droga, simula sa mataas hanggang sa ibaba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page