HOROSCOPE | MARSO 21, 2019 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 21, 2019 (Huwebes): Hindi ka mabibigo sa pagtutok mo sa iyong malalaking pangarap. Ang kabiguan mo ay magmumula sa kawalan mo ng ambisyon sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami kang gustong gawin, pero ang ituloy mo ay ang mga bagay na may kaugnayan sa iyong ambisyon. Kapag walang kinalaman sa iyong pangarap, masasayang lang ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-38-42-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpatulong ka sa mas nakatataas sa iyo. Hindi masama ang humingi ng tulong, ang masama ay ang magpatulong kahit hindi mo naman talaga kaya ang iyong gagawin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-21-28-33-36.
GEMINI (May 21- June 20) - Iwasan mo ang taong lapit nang lapit sa iyo na alam mong hindi nababagay sa iyo. Ilagay mo sa isip mo na ang palaging magkadikit, sa huli ay nagsasama o nagsasanib. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-22-24-34-40.
CANCER (June 21- July 22) - Marami kang matututunan sa mga nagtagumpay na. Ang kailangan mo lang ay ang makipagkuwentuhan dahil sa pagkikipagkuwentuhan, nasasabi ang mga sikreto sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-12-14-27-35-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Papataas ka nang papataas. Huwag mong kalilimutan na ang mataas na hindi nakasayad ang mga paa sa lupa ay mahina at mas madaling bumabagsak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-18-33-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit nag-aalinlangan ka, gawin mo nang buo ang iyong mga plano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-19-29-30-32-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makisali sa mga walang kuwentang diskarte kung saan alam mong may masasaktan. Ang mas magandang gawin mo ay ang kausapin ang bawat isa na hindi nagkakaintindihan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-22-28-39-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Balikan mo ang mga araw kung kailan nakakukuha ka ng kaalaman sa nilalang na mas malakas at nakahihigit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-24-25-28-33-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa ang mga magaganap sa iyong harapan dahil ang mananalo ay ang mahina laban sa malakas nang dahil sa labis na tiwala. Kumuha ka rito ng gintong aral sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-20-21-23-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papaboran ka ngayon ng nakatataas. Para mapatunayan mo na ito ay totoo, subukan mong humiling ng kahit na ano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-16-29-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalik sa alaala mo ang nakalimutan mo na. Maghanda ka sa muling pagbabalik ng taong kinalimutan mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-15-16-30-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumugod ka nang may positibong kaisipan. Hindi ka mabibigo, pero kung susugod ka na hindi naman buo ang loob mo, masasaktan at mabibigo ka lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-26-27-33-35.




Comments