Baka naman 'di ikaw 'yan, 'tol! MALE CELEB, JOLOGS AT ASTIG PUMORMA PERO INGLESERO AT FE
- Erlinda Rapadas T.
- Mar 21, 2019
- 1 min read
Blind Item:
AKANG-TAKA at marami ang nagugulat kapag nababasa ang mga posts ngayon sa social media ng male celebrity na masang-masa at hindi naman dating pa-intellectual ang imahe sa publiko.
Jologs at astig ang personalidad ng male celeb na naging leading man na ng halos lahat ng sikat na female stars sa showbiz. Machung-macho ang male celeb kaya habulin ng mga babae. At kapag may isyung panlipunan at napapanahon ay nagbibigay siya ng opinyon.
Pero ang ipinagtataka ng mga nakakabasa ng kanyang mga posts sa social media, eh, masyadong malalalim ang ginagamit niyang salita at madalas ay English pa. Eh, in real life, hindi naman inglesero si male celeb dahil Pinoy na Pinoy siya.
Nagdududa tuloy ang mga netizens at iniisip na lang na baka may administrator sa kanyang social media si male celeb kaya pa-intellectual at inglesero ang banat.





Comments