Asong puti
- BULGAR
- Mar 21, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Desiree ng Desiree_Viana_Datoon@ facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin kapag nanaginip ng asong puti at hinahawakan ko ito?
Naghihintay,
Desiree
Sa iyo Desiree,
Pangkaraniwan, ang aso sa mga panaginip ay sinisimbolo ng mga kaibigan o ng taong palagi nating nakakasama, gayundin ang mga taong nagmamahal sa atin na sunod nang sunod sa mga kagustuhan natin.
Sa pagkakataong ito, ang aso sa panaginip mo ay sinisimbolo mismo ng iyong sarili, kumbaga, ikaw at ang aso sa panaginip mo ay iisa.
Bago umiral ang iyong malikhaing imahinasyon na baka maisip mo ay “you are a warewolf” tulad ng sa mga movie, dapat mong malaman na ang asong puti ay naglalarawan na may malinis, dalisay at wagas kang personalidad.
Kaya ang bagay sa iyo ayon sa panaginip mo ay isa ring binata o lalaking may malinis, dalisay at wagas na personalidad.
Ang puting aso sa panaginip mo ay sinisimbolo rin na ikaw ay mabait, maamo, hindi mabangis, mapagmahal at nabubuhay sa kaayusan at matinong moralidad.
Kaya ito ang napanaginipan mo dahil ikaw ay binabalaan ng iyong panaginip na huwag na huwag kang magmamahal ng asong salbahe, nangangagat at nabubuhay sa kaimoralan.
Kaya ang panaginip at ang kanyang kahulugan ay gawin mong gabay sa iyong buhay nang sa gayun ay mapabuti ang iyong kapalaran at ng hindi ka magsisi sa dakong-huli.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo
Comments