top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sundalo sugatan sa ambush

Pabs Hernandez III
Mar 20, 2019
1 min read

SAMAR—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang sugatan sa isinagawang ambush ng mga rebel­deng New People’s Army (NPA), kamakalawa sa Bgy. Can-aponte, San Juan de Buan sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Pvt. Ronald Alutang, Jr., nakatalaga sa 87th Infantry Battalion ng PA na nakabase sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng community support program ang mga sundalo nang pagbabarilin sila ng mga NPA at dito tinamaan si Alutang na ngayon ay nagpapagamot na sa ospital.

Patuloy pa ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga rebeldeng tumakas matapos tambangan ang grupo ni Alutang.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page