Shoutout sa mga matatapang diyan, read n‘yo ‘to! SKYDIVING, GOOD SA HEALTH!
- BULGAR

- Mar 20, 2019
- 2 min read

SINO ba ang ayaw makaranas ng mga bagong bagay? Wala naman, ‘di ba? Siyempre, gusto natin na nakasusubok din tayo ng bago nang sa gayun ay mas sumaya ang ating buhay dito sa mundo. Kaya naman knows ba ninyo na ang skydiving o paglipad sa ere ay may magandang maidudulot sa ating kalusugan? Woah, scary!
Ayon sa mga dalubhasa, bukod sa nakatutulong ang skydiving upang mas maging matapang tayo bilang tao, keri rin umano itong makapagtanggal ng stress dahil tinutulungan tayo nito upang makapagpokus sa iisang bagay at kalimutan ang mga problemang ating kinahaharap sa buhay.
Gayunman, ang adrenaline rush na ating mararamdaman ay makatutulong din sa ating mental na kalusugan.
Pero, bukod dito maging ang ating physical health ay makikinabang din dito dahil ang skydiving ay nagre-require ng lakas ng katawan kung saan kasunod nito ay mababawasan pa ang inyong timbang. Oh, ‘di ba, bongga?
Samantala, maging ang confidence ay kaya nitong ma-boost dahil naniniwala ang mga eksperto tungkol dito na kapag nasubukan ninyo ito ay wala na kayong katatakutan pa.
Dagdag pa rito, nai-improve rin ang ating pagtitiwala dahil nakasasalay dito ang ating buhay kung saan may tendency na pumalpak o maging matagumpay.
Kaya ang payo ng mga eksperto, kung buo na ang loob ninyo at may pera naman kayo, why not na subukan ninyo ito dahil for sure, isa ito sa magagandang alaala na maibabaon ninyo.
Kaya para sa mga lodi natin diyan na “atapang-atao”, go, go, go lang sa trip ninyo, ha?
Kung ano ang gusto ninyong gawin, gawin n’yo na hangga’t nabubuhay pa kayo dahil minsan lang tayo mabuhay sa mundo. ‘Ika nga, “live your life to the fullest” para sa huli ay wala tayong regrets! Okidoki?





Comments