Kelot nag-amok at namaril, kulong
- Jersey Sanchez
- Mar 20, 2019
- 1 min read
ARESTADO ng Dutch police ang isang lalaki na pinaniniwalaang nasa likod ng pamamaril na ikinasawi ng tatlo at ikinasugat ng lima sa Utrecht, The Netherlands.
Kinilala ang suspek na si Gokmen Tanis, 37, Turkish, na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya matapos ang ilang oras na manhunt operation.
Gayunman, agad isinailalim sa lockdown ang lungsod matapos ang pamamaril sa kasagsagan ng rush hour, Lunes ng umaga.
Ayon sa pahayag ng suspek, pinaputukan niya ang isang kaanak at binaril din nito ang mga nagtangkang tumulong dito.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen.





Comments