top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya make sure na nakapagdiyeta kayo kahit papaano, besh! MGA DAMIT NA NABABAGAY IRAMPA NGAYONG SUMM

  • Jersey Sanchez
  • Mar 20, 2019
  • 2 min read

SIGURADONG may ilan tayong beshy diyan na nag-iisip-isip na ng kanilang dapat isuot ngayong tag-init. ‘Yung iba riyan, gusto pa ring career-in ang kanilang OOTD (outfit of the day) kahit na medyo hassle dahil sa init ng panahon. Pero, para pak na pak pa rin ang inyong OOTD, narito ang ilang outfit na patok ngayong tag-init:

1. STICK WITH PASTEL CO­LORS. Kahit bright na bright ang araw, besh, keri mo pa ring magsuot ng bright na kulay na damit. Kung isa ka sa mga beshy natin diyan na mahilig magsuot ng makukulay na damit, patok ang pastel colors tulad ng powder blue, canary yellow at millennial pink. Naka­ka­bagets!

2. FLORAL OR TROPICAL PAT­TERNS. Sino ba ang walang ganitong klase ng damit? For sure, marami riyan ang may mga nakatabi ng floral at tro­pical patterned na mga damit, kaya ilabas na ninyo ang mga ‘yan dahil per­fect timing ito para irampa ang mga ganu’ng uri ng damit. Bagay na bagay ito sa panahon, lalo na kung may mga lakad kayo. He-he-he!

3. BOLD PATTERNS. Kung dehins ka mahilig sa floral at tropical patterns, ma­gan­dang alternatibo ang mga damit na mayroong bold prints tulad ng aztec, polka dots, abstact, stripes at checkered. Pero, kung medyo tight ang budget mo, siguradong ma­raming ganitong klase ng mga damit sa UK o ukay-ukay, besh! Gora na! Ha-ha-ha!

4. BACK TO BASIC. Hmmm… si­gu­radong may mga beshy tayo riyan na tinatamad mag-isip at mag­hanap ng damit na na­baba­gay sa ka­nila. Pero, oks lang ‘yun dahil keri pa rin nin­yong mag-OOTD kahit basic out­fits lang ang inyong susuo­tin. Loose blouse, sleeve­less o rip­ped jeans lang, solve na!

5. WEAR LIGHT­WEIGHT CLOTHES. Upang maiwasan ang pag­kairita dahil sa suot na da­mit, mabuting magsuot ng damit na gawa sa ma­gaan na tela. Sa ganitong paraan, dehins mo kailangang mag-worry kung pagpapawi­san ka dahil breath­able ang iyong suot.

Oh, akala ninyo mahirap mag-isip ng mga dapat isuot dahil sa panahon, ‘noh? Sa totoo lang, dehins naman mahirap mamili ng isusuot araw-araw basta ang susuotin mo ay ‘yung alam mong komportable ka.

Kaya, anuman ang trip mong irampa ngayong summer, go lang dahil in the end, ikaw pa rin ang masusunod.

Slay it, beshy!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page