top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | MARSO 20, 2019 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 20, 2019 (Miyerkules): Taglay mo ang pagkakaroon nang malakas na kutob kung saan hindi lang mga pangit na pangyayari ang maku­kutuban mo kundi maging ang mga positibong maga­ganap pa lamang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas nga­yon ang iyong damdamin, mag-ingat ka dahil maa­aring makaapekto ito sa iyong kabuhayan. Kon­trolin mo ang iyong emos­yon, lalo na ang awa mo para sa iyong kapwa. Ma­su­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-24-39-41-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hihina ang loob mo ngayon. Ma­aaring hindi mo magawa ang pangako mo sa iyong sarili na tutu­kan ang iyong mga am­bisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-25-29-30-33.

GEMINI (May 21- June 20) - Madali kang madaraya at mapaniniwala ngayon. Mas magandang ang magpapasya para sa iyo ay ang malapit sa puso mo o ang iyong pinagkaka­ti­wa­laan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­wert­eng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-18-24-29-35.

CANCER (June 21- July 22) - Muling duma­ting ang masu­su­werteng araw mo at ito ay magsisimula ngayon kung kailan malaya at mabilis mong maga­gawa ang anumang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-14-28-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­aaring hindi mo paniwa­laan na ang mga suwerte mo ay nasa mga taong bilugan ang mukha at mataba. Gandahan mo ang pakikitungo sa kanila dahil sila mismo ang pampa­suwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-24-29-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpapatalo sa negatibong pananaw na naglalabas-masok sa isipan mo. Tan­da­an mo, na ang mga negati­bong kaisipan ay nagbubu­nga rin ng negatibong ba­gay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-22-28-34-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Walang dapat manghimasok sa mga desisyon mo sa buhay. Magkaka­mali at mapapahamak ka kapag ang pinakinggan mo ay ang ibang tao at hindi ang sarili mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-28-30-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda sa tao kapag kontrolado niya ang kanyang sarili. Mag-utos ka at pasunurin mo ang iyong sarili. Maga­gawa mo ito dahil noon pa man ay hawak mo na ang sarili mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-11-13-20-21.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi sa lahat ng pagka­kataon ay tama ka. Matuto kang makinig sa opinyon ng mga nasa paligid mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-18-29-30-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang tsansa na ma­ging emos­yunal ka. Kapag nahalata mong ganu’n ka, ibalik mo ang pagiging praktikal na siyang kailangan mo para mabilis na umunlad ang iyong bu­hay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-16-22-27-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang sa materyal na bagay nabubu­hay ang tao tulad ngayon kung saan kailangan mo rin ang matamis na pakiki­paglambingan sa iyong ka­relasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-17-20-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makababahagi ka sa mga su­wer­teng ihuhu­log ng langit. Para malalaki at marami ang mapasaiyo, gumawa ka ng kabutihan sa hindi mo naman kaki­lala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-16-19-21-25-34-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page