Hagupit ng Bagyong Idai sa Mozambique | PATAY AABOT NG 1,000
KINUMPIRMA ni Mozambique President Filipe Nyusi na aabot sa 1,000 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Idai sa Mozambique.
Ito ay dahil marami pa umanong indibidwal na hindi pa natatagpuan matapos matabunan ng mga gumuhong lupa.
Gayunman, tinawag ng International Federation of Red Cross and Crescent Society (IFRC) ang insidente bilang ‘massive and horryfying’.
Samantala, nagtala ng higit 100 ang nasawi sa kalapit-bansa na Zimbabwe at Malawi.
Batay sa tala, bukod sa mga nasawi ay mayroon ding 1,500 katao na sugatan matapos madaganan ng mga natumbang puno.





Comments