Patay sa baha sa Indonesia, 58 na
UMABOT na sa 58 ang nasawi sa flashfloods at pagguho ng lupa sanhi ng walang tigil na pag-ulan sa Papua Province, Indonesia.
Ayon kay National Disaster Agency Spokesperson Sutopo Purwo Nugroho, 51 katao ang nasawi sa bayan ng Sentani habang 75 ang sugatan.
Gayunman, 7 ang naitalang nasawi sa kalapit na provincial capital na Jayapura dahil sa landslides.
Dagdag pa ng tagapagsalita, posible pang tumaas ang death toll dahil maraming lugar pa ang hindi nararating ng mga awtoridad.
Batay sa impormasyon, mahigit 40,000 residente ang kinailangang ilikas dahil sa masungit na panahon habang sa Sentai ang pinakamalalang naapektuhan sa bansa.
Samantala, matapos ang landslides noong Linggo, nakaranas ng malawakang pagbaha sa bayan kung saan rumagasa ang mga puno at debris.
Dahil dito, nagdeklara ng dalawang linggong state of emergency sa Papua upang makakuha ng tulong sa central government.





Comments