Paalala sa publiko ngayong bakasyon, bago magsaya, kaligtasan muna!
- Ryan B. Sison
- Mar 19, 2019
- 1 min read

‘IKA nga ng iba, “beach is life” ngayong ramdam na ramdam na natin ang init ng panahon.
‘Yung tipong kahit nakapayong ay tumatagos pa rin ang init sa balat na nakaiirita sa pakiramdam.
Gayunman, kasabay nito ay nagbigay ng inisyatibo ang Department of Health (DOH) upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga bakasyunistang magtutungo sa mga beach sa bansa.
Ito ay dahil tuwing summer, hindi na bago na marami sa atin ang magpupuntahan sa iba’t ibang resorts na may dagat at swimming pools.
Kaya naman, ayon sa DOH, dapat umanong regular na nagsasagawa ng training ang mga may-ari ng resort para sa kanilang lifeguards upang matiyak ang seguridad ng lahat ng mamamayan.
Dagdag pa rito, wala namang masama na magbakasyon at maligo sa dagat o pool, pero dapat unahin natin ang ating kaligtasan kaysa sa panandaliang saya lamang. Hugot!
Maging responsable tayong lahat sa mga aksiyong ating gagawin dahil hindi lingid sa ating kaalaman na talamak ngayong ang mga aksidente.
Samantala, ang paalala natin sa mga magulang na mayroong maliliit na anak, bantayan silang mabuti nang sa gayun ay hindi kayo magsisi sa huli, gayundin, sundin ang rules at regulations ng resort na pupuntahan nang sa gayun ay maging sulit at masaya ang inyong pagbabakasyon.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments