HOROSCOPE | MARSO 19, 2019 (Martes)
- BULGAR

- Mar 19, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 19, 2019 (Martes): Higit na mas marami ang mga suwerte mo kaysa sa mga pangkaraniwang masusuwerte. Huwag na huwag mong kalilimutang magpasalamat sa nasa itaas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang mga kilos mo at magugulat ka, malalaking buwenas ang guguhit sa kapalaran mo. Muli, lagyan mo ng saya ang mga kilos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-17-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Hindi maganda sa tao na kung ano pa ang magpapahirap sa kanya ay ‘yun pa ang ginugusto. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-21-29-31-32.
GEMINI (May 21- June 20) - Mapalad ka sa araw na ito. Gayunman, kailangan pa rin na maging masinop ka sa mga biyayaang mapasasaiyo. Iwasan mong maging gastadora kapag masaya ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-25-27-38-43.
CANCER (June 21- July 22) - Dumikit ka sa masayahin at ikaw ay susuwertehin. Dumikit ka sa malungkot at ikaw ay mamalasin. Pero, kapag niyakap mo ang may pangarap, ang buhay mo ay uunlad. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-26-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumabagsak ang ulan kapag makapal ang ulap. Iwasan mong mapuno ka ng mga negatibong pananaw. Ang mas maganda ay ang kumilos ka ng may sigla. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-23-27-33-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itaas mo pa ang iyong pangarap. Lakihan mo ang iyong mga ambisyon. Ito ang tunay na susi tungo sa tagumpay na kapag sinunod mo, kahit ano ang mangyari, mataas at malaki pa rin ang makukuha mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-15-22-23-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang pumayag na maging alipin ka ng kahit na sino dahil ikaw ay isinilang na malaya at hindi para lang sumunod nang sumunod sa kagustuhan ng iba. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-12-16-28-30-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Palayain mo ang iyong sarili sa pagkakaalipin sa mga kabiguan. Mas magandang harapin mo ang mga araw ng maaliwalas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-15-23-26-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Baka nakalimutan mo na ikaw ay tagapag-utos at hindi tagasunod. Ang papel mo sa mundo ay ang manguna at mamuno. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-17-21-27-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa mga aral sa buhay na iyong natutunan at ilalayo ka ng mga ito sa kasawian kung saan mas mapagaganda mo pa ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-14-27-35-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nag-aabang sa daan ng buhay na iyong nilalakaran ang mga hamon ng iyong kapalaran. Huwag kang mangamba at maduwag dahil ang lahat ng ito ay iyong malalampasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-14-18-20-23.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumalago ang halaman kapag nadidiligan. Gumawa ka ng paraan para mapasaya mo ang iyong sarili. Hindi puwede na manatili ka lang sa iyong kasalukuyang kalagayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-21-25-31.




Comments