top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Shoutout sa mga flat chested diyan... KAPE, NAKALILIIT NG HINAHARAP NG MGA BABAE!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18, 2019
  • 2 min read

PROBLEMATIC ka ba, besh, dahil hindi ka bi­niyaya­an ng malaking hi­na­ha­­rap? Naku, don’t worry dahil hindi naman nasu­sukat du’n ang pa­giging mabuting tao. Pero, alam ba ninyo na ang pag-inom ng 3 tasa ng kape kada araw ay maaaring sanhi kung bakit kayo flat chested? Weh, ‘di nga?

Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng sob­rang caffeine sa katawan ay maaaring makaapekto sa ating hormones kung saan maging ang bust size ay nadadamay.

Sa pag-aaral, sinasa­bing kung gaano karaming kape ang naiinom ng babae kada araw, ito ay nagrere­sulta upang lumiit ang kan­yang hinaharap.

Gayunman, upang ma­patunayan ang nasabing pag-aaral, nagsagawa ng eksperimento ang mga da­lubhasa kasama ang 300 kababaihan kung saan tinanong sila kung naka­kailang tasa sila ng kape kada araw, gayundin na sinukat ang kanilang bust size.

Lumabas sa resulta na nai-published sa British Journal of Cancer na ang mahigit 3 tasa ng kape kada araw ay sanhi kung bakit lumiliit ang breast size? Ito ay dahil nape-pre­vent nito ang breast tissue na madagdagan o lumaki pa.

Samantala, kahit ga­nu’n ang natuklasan sa pag-aaral, may mga pag­ka­ka­taon pa rin na hindi ito na­raranasan ng ibang kaba­baihan.

Dagdag pa rito, ang kape ay may magandang benepisyong naidudulot sa dibdib ng mga babae upang maging healthy ito hindi lamang pisikal. Oh, ‘di ba, bongga?

Kaya ang payo ng mga eksperto sa mga beshy natin na gustong ma­dag­dagan ang kanilang hi­na­harap, hinay-hinay lang sa pag-inom ng kape, ha?

Bagama’t, hindi na­man ito kakulangan, nasa sa atin na kung ano ang gusto nating panganga­tawan. Okie?

Oh, ayan, mga beshy, ngayong alam n’yo na kung ano ang disadvan­tage ng kape, make sure na gagawa kayo ng paraan.

Copy?

Be happy and love yourself always, mga beshy! Hi-hi-hi! Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page