top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Parang 'di magkakilala kahit magkasama, Arjo… ALDEN AT MAINE, OBYUS DAW NA BINABAWALAN NANG MAGT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18, 2019
  • 2 min read

PINOST ni Alden Richards at iba pang Dabarkads ng Eat… Bulaga! na kasalukuyang nasa pilgrimage sa Israel ang mga larawan nila habang nag­papabinyag sa pari sa pamamagitan ng tubig sa Jordan River.

Caption ni Alden sa kanyang larawan, “Renewal of baptism” na umani ng mahigit sa 86,000 likes.

Sa Instagram naman ni Ryan Agoncillo namin nakita ang larawan ni Maine Men­doza na binubuhusan din ng tubig, pati na rin ang iba pang Dabarkads na sina Bossing Vic Sotto at asawang si Pauleen Luna, Allan K., Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon, Jimmy Santos, Pia Guanio at Luanne Dy. May caption naman itong “baptism.”

Sa caption naman ni Allan K., aniya, “I was baptized in the Jordan side of the river- now in the Israel side. Thank you Father Jeff.”

Bukod dito, kani-kanya rin silang post ng mga ganap nila sa pilgrimage at kitang-kita rin kung gaano sila ka-happy and in awe sa kanilang experience.

Nag-post si Allan K ng larawan kung saan daw mismo na-crucify si Jesus at sa isang photo naman ng larawan ni Jesus habang nasa cross, nilagyan niya ito ng caption na “Awesome.”

Ibinahagi rin niya ang larawan nila habang dumadalo sa misa sa Church of Nativity at caption naman niya: “Can’t believe I’m here.”

Pinaka-nag-enjoy kami ay sa mga photos na ipinost ni Ryan. In fairness, ang gaganda ng shots niya sa kanyang mga subjects. Puring-puri rin ng mga netizens ang mga kuha niya lalo na kina Alden, Maine, Bossing Vic and Pauleen.

‘Yun nga lang, laging magkahiwalay ang mga kuha niya sa AlDub at kahit sa group picture ay malayo ang agwat nila sa isa’t isa. Siyempre, hindi ito nakaligtas sa mga netizens especially ang mga fans na nami-miss na ‘yung dating love team na laging magkasama.

“I wish I will see real candid (no inhibitions) fotos of Meng and Alden together before they leave HL. It’s the perfect time and place for reconciliations. Nakaka-miss lang. Just wondered. Is it their choice not to or aren’t they allowed? Hope fans who don’t agree would also understand that they are friends and EB! is family,” komento ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “I think it’s their choice not to be near each other, baka may awkward na in between. Miss their sweetness, sobra, parang ibang tao sila sa isa’t isa. Sana, friends sila na walang ilangan. Siguro in time.”

Another comment ng isang netizen, “Sana po @ryan_agoncillo before mag-end ang tour nila, may picture na sina Alden and Maine together tutal friends and co-workers naman sila, ‘di ba @eatbulaga1979 and @gmanetwork....? Mas lalo kasi kayong nahahalata kapag sa mga pictures, eh, magkalayo sila... ‘Di ba, sabi nga, hindi naman naging sila... Kaya tuloy lalong nagkukulay ang mga fans kasi parang may nagbabawal...”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page