top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BACK-TO-BACK WINS, ASINTA NG LETRAN KNIGHTS SA D-LEAGUE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18, 2019
  • 1 min read

NAKATAKDANG pun­tiryahin ng Petron-Let­ran na makapagposte ng back-to-back wins sa pag­sabak nito sa winless na McDavid ngayong hapon sa 2019 PBA D-League sa Paco Arena.

Tatangkaing dugtungan ng Knights ang naitalang 108-91 panalo kontra AMA On­line Education noong Marso 5, para sa una nilang panalo sa ilalim ng bagong coach na si Bonnie Tan.

Aasahang muli ng Knights ang ipinagmamalaki nilang front court na kinabibilangan nina Larry Muyang, Chris­tian Fajarito, at Jeo Ambo­hot, isa sa itinuturing na pi­nakamahusay na frontline sa college basketball sa kasa­lukuyan.

“Very talented itong mga big man na ito,” ayon kay Tan.

Maliban sa tatlong slot­men, nariyan din ang kani­lang guest player at super scorer na si Alvin Pasaol upang mamuno sa koponan sa pagharap nila sa Titans sa unang laban ganap na alas-2:00 ng hapon para sa As­pirants Group na susundan ng sagupaan ng sorpre­sang nangungunang St. Clare Col­lege Virtual Reality (2-0) at ng Batangas-EAC (1-2) ganap na ika-4:00 ng hapon.

Magsisikap naman ang McDavid na makaahon sa kinasadlakang 2-game lo­sing skid, pinakahuli sa ka­may ng Batangas-EAC, 79-57 noong Pebrero 28.

Inaasahan ni coach Allen Ricardo na papabor sa kanila ang nagdaang 18-day break upang makabawi. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page