top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

After ng hiwalayan nila… DANIEL, TANGGAP NA SI ALDEN NA ANG BAGO NI KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2019
2 min read

FINALLY, after the much talked-about ‘hiwalayan’ ng KathNiel love team, mu­ling nakitang magkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ASAP Natin ‘To kahapon (March 18).

After Kathryn’s dance number, biglang sumulpot si Daniel at sinor­presa siya para batiin ng happy birthday. Kathryn will be turning 23 on March 26.

As expected, kinilig ang mga fans sa mga binita­wang pahayag ni DJ para kay Kathryn.

“Ako ay laging nandito para sa ‘yo, para sumuporta, para pumrotekta at mag-alaga at pasayahin ka. I love you very much, Bal,” sabi ni Daniel kay Kathryn kasunod ang masuyong yakap at halik sa pisngi ng GF.

Halatang pinigilan ni Kathryn ang mapaiyak pero sobrang touched ito sa message sa kanya ni Daniel.

Well, at least, ayan, ha, may assurance na from DJ na kahit iba na ang leading man ngayon ni Kath­ryn (na by the way, may bago na palang title, hindi na Teen Queen kundi Queen of Hearts na, dahil ‘yun ang narinig na­ming itinawag sa kanya ni Piolo Pascual kahapon nang i-introduce siya) sa upcoming movie nito under Star Cinema, suportado niya ang Kathryn-Alden Ri­chards love team.

The next question is, kanino naman kaya ita­tam­bal si Daniel? Baka mapag-iwanan ito kapag nagklik ang first team-up nina Kathryn at Alden sa movie.

Dapat ay may maganda ring plano at career move ang binata ni Karla Estrada ngayong pinaghiwalay na nga ang tambalan nila ng kanyang on and off screen partner.

There’s this suggestion na gumawa rin ng movie sina Daniel at Maine Mendoza na parang nag-exchange partner lang sila. Pero may mga kumokontra agad sa idea na ito dahil hindi raw bagay sina Maine at Daniel, bukod sa naging open na nga ang Dubsmash Queen sa re­lasyon niya kay Arjo Atayde.

So, paano nga naman magkakaroon ng love angle sa pagitan nina Maine at Daniel at paano kakagatin ng fans ang kanilang love team kung open book ang kanilang love life?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page