'Wag sanang atakihin ng depresyon… NALAOS NA COMEDIAN, DINEDEDMA AT DINADAAN-DAANAN NA LANG NA P
Blind Item:
NAKARAMDAM kami ng awa sa isang comedian na wala nang gaanong project ngayon. Nang magpunta kasi siya sa isang event kung saan nandu’n ang mga dati niyang kasamahang comedians ay mistula siyang hangin lang na hindi binabati o kinakausap ng mga ito.
Walang gustong bumati o makipag-usap sa kanya. Dinededma-dedma lang siya at dinadaan-daanan.
Noong buhay pa ang direktor na naging mentor at guardian ng nawalan ng career na comedian, sagana ito sa mga projects at madalas siyang isinasama sa mga pelikulang ginagawa ng magaling na “directed by”.
Pero, biglang yumao ang mabait at sikat na direktor na tumulong sa career ng comedian, kaya lost in horizon din ang naging direksiyon ng career niya.
May manager naman siya ngayon, pero mukhang hindi siya gaanong natututukan dahil marami rin itong sikat na talents.
Hindi namin alam kung ano ang dahilan kung bakit mistulang napagkaisahan ng mga dati niyang kasamahan ang komedyante. Dahil wala nang project, nagnenegosyo na lang daw ang comedian na nawalan ng career.





Comments