top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pineperahan lang daw siya… MGA BATA, MATATANDA AT MAYSAKIT, BAWAL NA SA SHOW NI WILLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAY mensahe ang TV host na si Wil­l­ie Revillame sa mga taong gu­magamit sa kanyang game show na Wowo­win para makakuha ng agarang pera.

Napansin kasi ng mga netizens na abusado na raw ang ilang studio audience sa paghingi ng pera kay Kuya Wil.

Nauuso rin ngayon ang meme na kapag wala nang pera ang isang tao, eh, pupunta na lang ito sa Wowowin para umiyak kay Willie at manghingi ng pera.

Nagbigay ng pahayag si Kuya Wil na 17 to 70 years old na lang daw ang papa­pasukin sa studio at papayagang manood.

Ayon kay Willie, gina­gamit lang daw kasi ng mga magulang ang kanilang mga anak para lumapit sa kanya at manghingi ng pera.

Aniya, “Kung mapapan­sin ninyo, walang mga bata… Ginagamit lang ‘yung mga bata. Itinutulak, ‘Humingi ka ng pera.’ Kawawa, hindi pina­papasok sa eskuwela­han.”

Dagdag pa niya, “Dito pinapapasok para maka­hingi ng pera. Hindi po tama ‘yun.

“Gumawa kayo ng para­an sa buhay n’yo para mabig­yan n’yo ng magandang buhay ang inyong pamilya…

“‘Wag n’yo pong iasa rito sa Wowowin. Ito pong prog­ramang ito ay nagbibigay ng saya and it is also a game show, game of chance.

“Kung manalo kayo, ma­­bu­ti. Pero ‘wag kayong pipila d’yan para manghingi sa amin ng panggamot, pang-opera, pang-libing. Hindi po ako mayor. Hindi po ako nasa puli­tika. Ako po ay nandito para magpasaya araw-araw.

“‘Yung nangangailangan, tutulungan. Pero ‘yung nanloloko, babalewalain,” pali­wanag ni Willie.

Hindi na rin daw nila papayagan ang mga may sakit at matatanda na makapasok sa studio para manood dahil ayaw nilang mapahamak ang mga ito.

Aniya, “‘Yun pong may karamdaman na mga nanay, lolo’t lola, ‘wag na po kayong mag-aksaya ng panahon. Ayaw po namin kayong mapahamak…

“Bawal po rito ang manonood na may karamdaman. Sana, maintindihan ninyo. Para po sa kapakanan ninyo ‘yan,” pali­wanag ng TV host.

Samantala, sinabi ng TV host na tuloy pa rin ang pagbibigay-saya ng Wowo­win at pagtulong sa mga nanganga­ilangan ngunit mas ma­giging maingat na sila ngayon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page