Matapos ang masaker sa mosque | BATAS SA PAGKUHA NG LISENSIYA NG BARIL, HIHIGPITAN PA
NANGAKO si New Zealand Prime Minister Jacinda Arden na babaguhin ang batas sa bansa tungkol sa pagkuha ng lisensiya sa baril.
Ito ay kasunod ng insidente ng pamamaril sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand na ikinasawi ng 49 katao at ikinasugat ng 50 iba pa.
Dagdag pa nito, limang baril ang ginamit ng mga suspek kabilang ang semi-automatic weapons, dalawang shotguns at isang lever action rifle.
Samantala, ayon sa awtoridad, posible pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi habang patuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa insidente.





Comments