top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa palad... DALAGANG NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG CRUSH

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. May crush akong lalaki, ang problema, hindi naman siya nanliligaw. Takot yata siya sa babae at mahiyain.

  2. Ano ang magandang paraan para magkalapit ang loob namin kasi kung ako lang ang masusunod, gusto ko siyang maging first boyfriend.

  3. Matutupad kaya ang pangarap kong ito at darating kaya ang oras na liligawan din niya ako?

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin ang guhit na nanggaling sa Bundok ng Venus (Drawing A. at B. v-v arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad kung saan ang Bundok ng Venus na ‘yan ay siya ring tinatawag na Bundok ng Emosyon (arrow a.).

  2. Sinasabing sa Modern Palmistry, ang anumang guhit na nagmula sa nasabing bundok na tumawid sa Life Line (L-L arrow b.) at Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow c.) sa kaliwa at kanang palad ay siya ring itinuturing na pakikipagre­lasyon sa ka-opposite sex. Sa kaso mo Jhoanne, ang mga guhit na nabanggit ay ang mga lalaking magiging boyfriend mo.

  3. Ibig sabihin, ang bilang ng mga guhit na nagsimula sa Bundok ng Venus at tumawid sa Life Line at Head Line (arrow b. at c.) ay siya ring bilang ng ma­giging boyfriend mo. Sila o ang mga guhit na nabang­git (arrow a.) ang itatalang makarerelasyon mo, pero hin­di naman tuluyang mapapangasawa dahil ito ay maitu­turing na “panandalian o pansamantalang romansa la­mang”.

  4. Bilangin mo ang nasabing “mga guhit sa Bundok ng Venus” (arrow a.) at ‘yan din ang magiging sumatutal ng mga lalaking makarerelasyon mo habang ikaw ay nagdadalaga pa lamang hanggang sa ikaw ay makapag-asawa na.

  5. Pansinin mo ring malapit ng maganap ang iyong unang pakikipag-boyfriend kung saan agad-agad na tumawid ang Venus Line sa Life Line at Head Line (arrow b. at c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa malapit na hinaharap, isang lalaking medium built ang pangangatawan, tahimik at medyo mahiyain ang naka­takda mong maging unang boyfriend at ang inyong relasyon ay nakatakda ring magtata­gal ng humigit-kumulang isang taon at anim na buwan.

  6. Ang pag-aanalisang magkaka-boyfriend ka na ay madali namang kinumpirma ng lagda mong kinaki­taan ng korteng puso na nagpapahi­watig na ngayon, unconsciously ay gustung-gusto mo na talagang mag­ka-boyfriend sa katauhan ng lalaking crush mo.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Jhoanne, tiyak ang magaganap ngayong tag-araw kung saan usung-uso ang pagtitinda ng halu-halo. Ngayong 2019, sa buwan ng Abril hanggang Mayo, walang duda, matutupad na ang malaon mo ng pangarap, ang magka-boyfriend ka at ang lalaking makarerelasyon mo ay walang iba kundi ang lalaking noon mo pa crush na crush.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page