Kaya raw pumayag makipagbati kay Sen. JV… MAYOR GUIA KAY ERAP: KONTI NA LANG ANG ITATAGAL MO SA MUN


Sa tsikahan namin sa mayor of San Juan na si Guia Gomez, nabanggit niya na masayang-masaya siya sa pagbabati ng mag-amang Manila Mayor Joseph Estrada and re-electionist Sen. JV Ejercito (her son).
“I’m the happiest. Ako, sabi ko, more than anything, for me, a family is a family. Kailangang buo ‘yun. I was the most hurt when they were exchanging barbs.
“Ito kasing si Sen. JV, he did not realize na what he said would hurt his father kasi lagi namang sinasabi ng father niya ‘yun na ‘Ito ngang si JV, nu’ng tumakbo, hindi ko natulungan.’ Sinabi niya ‘yun sa maraming kaibigan niya.
“So, when he said that on television na ‘Hindi nga ako natulungan ni daddy nu’ng ano,’ he didn’t mean it na masama.
“In fact, if I were a parent and my son would say that, I’d be proud of him, hindi ko siya tinulungan but he made it.
“But you know, may mga nag-create ng intriga, pinasama lang talaga,” pahayag ni Mayor Guia.
Bandang October last year daw nagkaroon ng tampuhan ang mag-ama pero tampuhan lang naman daw ‘yun at talagang ipinagdasal niya na magkaayos ang dalawa.
“I must say that when JV was growing up, when he was small, he had the love of a father, kumpleto siya diyan, mahal siya ng tatay niya at siya rin, mahal na mahal niya ang tatay niya.”
Siya na raw ang nag-initiate ng reconciliation at kinausap niya ang anak, pati na rin si Mayor Erap.
“I told JV, ‘You have so little years.’ He’s 81 and I’m 76, so sabi ko, ‘Sana, magkabati-bati na kayo.’ The father, I said the same thing, ‘You know, how many years do you think you will spend on this earth?’ And sabi niya, ‘O sige, sabihin mo sa kanya, imbitahin niya ako,” kuwento ni Mayor Guia.
Sa ngayon ay pangatlong termino na ni Mayor Guia bilang alkalde ng San Juan at pahinga na raw siya sa politics. Susuportahan na lang daw niya si Sen. JV who is seeking for a reelection.
Suportado niya rin ang tumatakbong mayor ngayon ng San Juan na si Janella Ejercito, anak naman ni Jinggoy Estrada na half-brother ni Sen. JV.





Comments