HOROSCOPE | MARSO 17, 2019 (Linggo)
- BULGAR

- Mar 17, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 17, 2019 (Linggo): Magtiwala ka, ang langit ay naglaan ng malalaking suwerte sa iyong buhay. Gayunman, daraan pa rin sa maraming pagsubok at hamon ang iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakadarama ka ng takot kahit ikaw ay matapang. Mahirap paniwalaan na ang iyong takot mismo ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-19-23-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang umatras, ang pinagdaraanan mo ngayon ay iyong malalagpasan. Minsan, kailangan ng tao na magtuluy-tuloy sa pagsulong kahit madilim ang kanyang nilalakaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-22-27-30-31-39-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Kaya sobrang maganda ang kislap ng mga bituin ay dahil sa pagpapalitan ng liwanag at ng dilim. Kikislap ngayon ang iyong suwerte na akala mo ay malas, pero suwerte pala ang hatid sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-28-33-36-41.
CANCER (June 21- July 22) - Hindi totoo ang nasa isip mo na mahihirapan kang labanan ang mga pagsubok sa iyong harapan dahil ang totoo, kapag nagpakita ka ng tapang, ito ay kusang maglalahong parang bula. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-18-28-30-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran dahil matatalo mo ang mga humahamon sa iyo. Akala nila talo ka na, pero tulad ng dati, magugulat sila dahil ang huling halakhak ay makikitang para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-24-27-30-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Silipin mo ang hamon na kahaharapin mo sa iyong kapalaran, kumbaga, huwag kang sugod nang sugod. Sumugod ka lang kapag may nakita kang butas na iyong malulusutan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-18-20-21-27.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itakwil mo ang iyong mga kalabisan. Mas makabubuti sa tao na nabubuhay ng simple. Ang mga nabubuhay sa kalabisan ay maaaring bumagsak ang kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-16-24-38-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang masanay sa masyadong matagal na pag-aanalisa ng mga bagay-bagay. Kumilos ka kaagad kapag may naisip kang maganda, lalo na kung tungkol ito sa iyong pansariling kaligayahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-23-28-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabilis kang aabante kapag muli kang nakipag-ugnayan sa taong noon ay pinanggalingan ng iyong sigla at lakas na siya ring lihim na nakauunawa sa mga problema mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-27-39-40-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi makalalayo ang taong hindi nakasayad ang mga paa sa lupa. Gayunman, aakalain nila na sila ay nakalayo kaya lang bigla rin silang babalik kung saan sila nagmula. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-19-23-25-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nadarama mo na ngayon at sa ilang araw pang darating na ikaw ay susuwertehin. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-29-31-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pilitin ang ayaw sumama. Sa huli, sila ay magsisisi at manghihinayang dahil ikaw pala ang panggagalingan ng nakamamangha at magagandang kapalaran na maaari nilang masagap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-14-18-27-37.




Comments