BATANG PINOY LUZON LEG, BABANAT NA SA ILAGAN CITY

MATAPOS magpasiklaban ang SEAG-bound athletes kasama ang Filipino-American at mga atleta mula sa Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Singapore at Timor Leste na lumahok sa SEA Youth Athletics, mga batang atleta ang magpapatalbugan sa Batang Pinoy Luzon Leg na aarangkada bukas sa Ilagan Sports Complex sa Isabela.
Mga atletang may edad 15 pababa ang galing sa iba’t-ibang lalawigan sa Luzon ang kalahok sa mahigit 20 sports kasama ang athletics, ang pinakatampok na laro sa weeklong competition na unang gagawin sa Ilagan, ang premier city sa Region II na kilala sa tawag na “Corn capital of the Philippines”.
Ang mga atletang mananalo sa paboritong sports ay maglalaro sa finals na gagawin sa Bohol kasama ang qualifiers sa Mindanao at Visayas at ang matutuklasan ay kakatawan sa ‘Pinas sa international sports competitions kasama ang World Youth Olympics, Southeast Asian Youth at Asian Children Games kamakailan na nilaro sa Russia na pinamumunuan ni PSC Commissioner Dr. Celia Kiram bilang delegation head.
Mahigit 3,000 atleta ang sumali sa Mindanao leg sa Tagum, Davao del Norte noong Peb. 2-9 at ganoon din karami ang lumahok sa Visayas leg na ginawa sa Iloilo Sports Complex noong Peb.23-Marso 2 kung saan nilaro ang Palarong Pambansa ng Philippine Sports Commission.
Ang mga sport ay archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, dance sport, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball (indoor/ beach volleyball) at futsal.
Isinama ang futsal upang bigyan ang mga atleta ng tsansa na maipakita ang natatagong galing at sumosyo sa limelight sa ibang atleta na laging lumaro sa taunang mass based sports competition. Tampok ang 46 events sa athletics na pangangasiwaan ng Philippine Athletics Association o PAA.
Dahil kulang sa mga kagamitan, sampu ang sports na hindi lalaruin sa tatlong legs. Ito ay ang cycling, rugby football, gymnastics, judo, muaythai, triathlon, weightlifting, wrestling, wushu at soft tennis.
Nilalaro ang Batang Pinoy sa last quarter of the year at inagahan dahil sa SEAG sa Nobyembre sa New Clark City Sports Complex. “We re-scheduled Batang Pinoy and instead hold the competition on earlier date because of the SEA Games,” wika ni Ramirez.





Comments