2 rockets inilunsad sa Israel | PH EMBASSY SA MGA PINOY: MAG-INGAT!
NAGPAALALA sa mga Pinoy ang Embahada ng Pilipinas sa Israel na mag-ingat matapos kumpirmahin ng Israeli military na dalawang rockets patungong Central Israel ang inilunsad habang dumagundong din ang dalawang malakas na pagsabog sa Gush Dan Region.
Payo ng embahada, ipagpaliban muna ang pagpunta malapit sa Gaza at West Bank, maging sa kilalang pasyalan sa Jerusalem tulad ng Temple Mount, Damascus Gate, Herod’s Gate at iba pa.
Nabatid na nakapuwesto ang security forces ng bansa sa mga sensitibong lugar at pinaiiwas ang mga tao sa paglapit doon.
Gayundin, bukas ang hotline number ng Philippine Embassy upang tawagan kung sakaling may emergency.
Samantala, ito ang unang pagkakataon na in-activate ang mga bomb siren sa Tel -Aviv matapos ang giyera noong 2014 habang kumonsulta na rin sa Kirya IDF Military Headquarters si Israeli Prime Minister at Defense Minister Benjamin Netanyahu para sa pagresponde.
Gayunman, binuksan na ang bomb shelters sa lungsod matapos ang ulat na may ilang nasugatan sa insidente.





Comments