top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

UST, UP AT ADAMSON BOOTERS DRAW SA UAAP MEN’S TOURNEY

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2019
1 min read

NATAPOS ang tapatan ng University of Santo Tomas at reigning titlist University of the Philippines sa draw habang nakapuwersa rin ang Adamson University kon­tra sa namumunong Far Eastern University ng draw noong Huwebes sa kani-kanilang laro sa UA­AP Season 81 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch.

Parehas nagtapos ang dalawang laro sa 1-1, draw. Unang umiskor ang FEU, matapos ang ikat­long goal ngayong season ni Gio Pabu­alan sa 61st minute bago nakatabla ang Falcons pag­ka­ra­an ng 3 minuto sa pama­magitan ng isang header ni Kim Bardaje.

Naunang nakatapos ng first round campaign at uma­ngat ang UST sa solong 2nd place matapos makatipon ng 10 pts, 2 puntos ang pagka­kaiwan mula sa namu­munong FEU at 3 puntos ang la­mang sa Maroons.

Una ring nakaiskor ang UP sa 50th minute sa pama­magitan ni Dane Saavedra bago pumatas ang UST sa 4 minuto ang na­ka­lipas sa pamamagitan ng goal ni Steven Anotado. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page