Sa mga estudyante, empleyado at iba pa, read n‘yo ‘to! MGA BAGAY NA DAPAT GAWIN TUWING NAGKO-COMMUTE
- Justine Daguno
- Mar 16, 2019
- 2 min read

MATINDING traffic, mainit na ulo na mga pasahero, kulang na sukli at marami pang iba, ‘yan ang mga karaniwang hassle na nararanasan natin sa kalsada, lalo na ‘yung mga suki ng pagko-commute, agree?
Well, kung wala tayong sariling sasakyan, wala tayong choice kundi ang makipagbakbakan sa mga pampublikong sasakyan para lang makapasok sa school, trabaho at makapunta sa kani-kanyang appointment. Kaya naman, para sa mga beshy nating araw-araw nagko-commute, narito ang ilang handy tips na dapat nating tandaan:
1. CHOOSE YOUR WEAPON (MODE OF TRANSPORTATION). Bago pa man tayo umalis ng bahay, dapat alam na natin ang ating ‘mode of transportation’. Kung ito man ay MRT/ LRT, FX, bus o jeepney. Tandaan, hindi lahat ng lugar ay pare-pareho ng sasakyan para makapunta sa destinasyon, kaya make sure na informed tayo para iwas-abala at aberya. Okidoki?
2. EQUIPPED YOURSELF WITH THE PROPER AMOUNT OF MONEY. Hindi tayo puwedeng umalis na kulang o sakto lang ang pera natin, dapat may ‘extra’ tayo dahil hindi natin alam kung kailan tayo darapuan ng kamalasan, halimbawa, kapag lumampas tayo sa babaan o nasiraan ang sasakyan, naku, kapag komyuter tayo, dapat kahit barya lang ay may extra tayo sa ating bulsa.
3. BE CAREFUL WITH YOUR BELONGINGS. Sa panahon ngayon, dapat palagi tayong handa sa bawat oras, lalo na tayong mga palaging nasa labas. Bukod sa sarili, huwag din nating pababayaan ang ating mga gamit. Nagkalat na ang mga kawatan at wala silang pakialam kung estudyante, senior citizen o hindi ka mukhang mayaman dahil lahat ay tinatalo nila, kaya ingat-ingat din ‘pag may time!
4. TAKE IN THE DIFFERENT SIGHTS. Hangga’t maaari, huwag tayong maglabas ng mga gadget sa mga pampasaherong sasakyan. Mabuti rin na magiging good observant tayo at kung keri natin, huwag tayong matulog habang nasa biyahe para maiwasan nating lumampas sa bababaan o pupuntahan natin. ‘Yun lang!
5. SHOW COURTESY. Isa sa mga bagay na dapat nating tandaan na karamihan sa mga nakasasabay natin sa pagko-commute, lalo na kapag pauwi ay pagod, gutom at stressed kaya wala tayong karapatang mag-inarte o magpabebe. Kung hindi natin kayang maging makamasa at makisama sa kapwa natin pasahero, mabuti pang mag-taxi o bumili na lang tayo ng sarili nating sasakyan. Wala namang bayad ang pagbibigay-konsiderasyon kaya hindi natin ito dapat ipinagdaramot, ganern!
Sa totoo lang, marami tayong bagay na dapat pinaghahandaan kahit ‘yung simpleng pagko-commute kung saan ugaliin nating maging ready sa mga posibleng mangyari, pero siyempre huwag tayong masyadong OA at chill lang.
Ingat sa biyahe, mga ka-BULGAR!





Comments