top of page

Problema sa tubig, nasasabayan ng dagdag-basura

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2019
  • 1 min read

NAKABABAHALA ang patuloy na kakulangan sa supply ng tubig dahil nagsasanga ito ng iba pang problema at isyu.

Tulad sa kalikasan, nababahala ang environmental watch group na EcoWaste Coalition sa patuloy na nararanasang water shortage, partikular na sa Metro Manila.

Nagdudulot ang nasabing krisis sa pagdami ng mga gumagamit ng disposable products.

Mas pinipili ng mga nasa bahay at business establishments na gumamit ng mga plastik na plato, kutsara, tinidor at baso para makaiwas sa paggamit ng tubig.

Nangangahulugan ito ng dagdag-basura kada araw na kung hindi agad masosolusyunan ay panibagong suliranin na naman ang kahaharapin, lalo na kapag panahon na naman ng tag-ulan na sinusundan ng baha.

Kaya umaasa tayo na kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na pakilusin ang Manila Water at Maynilad ay maiibsan na ang kakapusan sa tubig.

Kung saan inoobliga na ang mga ito at iba pang responsableng ahensiya na mag-release ng tubig mula sa Angat Dam epektibo kahapon ng tanghali.

Ang nasabing ire-release na tubig ay dapat umanong tumagal ng 150 araw upang masuplayan ang mga apektadong lugar sa Metro Manila at Rizal.

Dapat ding matiyak na maipamamahagi ito ng patas at tama sa mga apektadong residente.

Kasabay nito ang banta na ang sinumang mabigo na tumugon sa utos ay si Pangulong Duterte umano ang mismong hahabol at titiyak na sila ay mananagot.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page