Mas marami raw fans kaya sure hit… MAINE-DANIEL MOVIE, PANTAPAT SA ALDEN-KATHRYN
- Beth Gelena
- Mar 16, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

MAY nasagap kaming balita na tatapatan umano ng tambalang Maine Mendoza at Daniel Padilla ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Hindi raw kasi susuportahan ng Alden fans ang movie nila ni Kath dahil hindi nila gusto ang tambalan na KathDen.
Mas marami raw fans sina Maine at Daniel kumpara sa dalawa kaya tiyak na mas papatok sa takilya ang Maine-Daniel team-up.
Kung totoo ang tsikang ito, sino naman ang magpo-produce, APT-M-Zet o Star Cinema?
Just wait and see na lang. Dasal ng mga fans nina Maine at Daniel na matuloy ang tambalan ng kanilang mga idolo.





Comments