top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Yaya Dub, kung kelan may Arjo na… NANGYARI KINA MAINE AT DERRICK SA HOTEL AT SA SUBIC, NABULGAR!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2019
  • 1 min read

NGAYONG itatambal na si Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa isang pelikula starting on April 7, 2019 na ang location ay sa Hong Kong pa, well, ang request naman ng mga naging fans noon nina Maine Mendoza at Derrick Monasterio ay ang mga lodi naman daw nila ang bigyan ng chance na magka­sama sa isang movie rin or teleserye.

Noong year 2017 kasi ay tipong na-link romantically sina Maine at Derrick. Nagkainuman daw ang dalawa sa isang hotel with matching some friends around, tapos nu’ng mismong araw ng Valentine’s Day 2017 ay pinasunod ni Maine si Derrick sa Subic at sumunod naman daw ang Kapuso actor.

Ayun, tipong nagkaroon daw sila ng tinatawag na “short fling” or “short romance” or “flirty fling” na hindi na nila itinuloy ‘coz pinagbawalan daw ng management nila ang dalawa kaya nag-cool-off.

Baka nga naman daw masira ang love team nina Alden at Maine at para na rin makaiwas si Derrick sa pamba-bash ng AlDub fanatics.

Eh, ngayong may Arjo Atayde na si Maine at si Derrick naman ay meron na rin daw Ms. Manila 2018 na contract artist na rin ng Viva Films, siguro naman ay puwede na uling IBALIK ANG KAHAPON nina Maine at Derrick maski man lang sa pelikula or sa isang teleserye.

Yo, why not, coconut? O ‘di kaya naman, pagsamahin sa isang pelikula sina Maine, Arjo, Derrick at si Ms. Manila 2018. Hmmnnn… puwede!

Any takers, Viva Films, APT Films or GMA Films? Not a bad idea, in pernes at sa true lang, ‘noh, lalo pa nga’t may saying na… “Strike while the iron is hot.”

Tsuk, ‘yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page